Make your own free website on Tripod.com
 PHILIPPINE INSTITUTE OF CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANTS
 DUBAI CHAPTER
Home Chapter Profile Member Profile Activities & Services Professional Updates Publications Join
 

Activities
and
Services




2002
Induction Rites


Community
Service


General
Membership
Meetings



Professional
Development


Program of
Activities


DacEasy
Seminar


Accounting for
Non-Accountants



Sports &
Fellowship


Program of
Activities


First
Fun Bowling


Second
Fun Bowling


Bowling
Tournament


Accountancy Week
Fun Bowling


Accountancy Week
Fellowship
Gathering



  

Dumadami na Tayo!

by Dante Herras


Ginanap ang 3rd Quarter General Membership Meeting noong August 8 sa Savoy Hotel Apartments. Ipagpaumanhin ng mga early birds ang pagdating nang late ng ilang members, kabilang na ang inyong lingkod, dahil it was a Thursday - full working day sa ibang kasamahan natin. Marami ring hindi nakadalo, pero dahil dumadami na nga tayo, ay napuno pa rin ang function room ng Savoy. Umabot pa rin nang fifty seven ang attendees.

Si Ed Soriano at Vimma Buling ang mga emcees. Inumpisahan ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isa't isa. Hindi na tayo nakapag-line dancing. Hindi bale, sa susunod mayroon uli. Promise. Isinunod na kaagad ang pagre-report ng mga natapos at darating pang activities ng iba't ibang committees. Ini-report ni Evelyn Jaboni (Membership) na mas maraming new members at naging active na old members this year. Nai-release na rin ang 2nd issue ng CPAG ng Publication nila Jarsel Longakit. Binanggit ng inyong lingkod ang Dac-easy at Accounting for Non-accountants, possible seminars on financial statements analysis at LC at ang mga sususod pang AFNA crash courses ng Professional Development. Ipinakita naman ni Jerry Lorilla ang treasurer's report as of July 31. Binabaan na rin ni Arnold Parcon ang presyo ng PICPA T shirt - singkuwenta na lang kaya iyong wala pa ay makakabili na sa mas mababang halaga. Nag-ulat naman si Benny Tamayo tungkol sa sangkatutak na sports at fellowship activities this year. Binigyang-diin ni President Redd Valdehueza ang darating na Middle East Conference sa Disyembre. Nagkaroon din ng open forum pagkatapos ng committee reports kung saan tinulungan tayo nina Bernie Eseo at Ka Emil Dungca sa pagsagot sa katanungan ng ating mga kasama.

Ano pang meron? Induction ng mga bagong PICPANs and Associate Members !!! Twenty five lahat-lahat ang ang ating inductees ! Siyam ang new PICPANs at labing-anim naman ang bagong Associate Members. Si Redd ang nag-administer ng kanilang oath-taking. Bukas-palad at taus-puso natin silang tinatanggap sa PICPA Dubai Chapter!

Ang finale ng pagtitipon ay ang launching ng ating website - http://picpa-dubai.tripod.com. Ipinakita ng ating web designer na si Jerry ang iba't-ibang features at pages ng ating site.Puwede nyo nang bisitahin iyan. During the launch, mayroon nang 193 visitors sa ating website. Sa ngayon, habang ginagawa ko ito, ay nagkaroon na ng 318 visitors.

At siyempre pa, may kantahan, sayawan at raffle draws! Nagkaroon ng dance number si Jarsel, kasama ng mga dalagita ni George de Leon. Habang nagkakainan ay hindi naman nasawata ang inyong lingkod na kumanta. Ako lang ang kumanta dahil ako lang ang may baong microphone. Ang mga ipinamahaging regalo sa raffle draws (na mas marami pa yata sa mga attendees) ay ipinagkaloob nina Jerry, Evelyn at ng inyong lingkod.

Anong susunod? Ang umaapaw nang 2nd batch ng AFNA (Accounting for Non Accountants) sa September 6 and 13....

Dante & Fellowship Committee

   
First General Membership Meeting

Third Quarter General Membership Meeting

Dumadami Na Tayo!

  


Home | Chapter Profile | Member Profile | Activities & Services
Professional Updates | Publications | Join


Copyright © 2002, PICPA-Dubai Chapter. All Rights Reserved.